Sa Overpass, Revised

Umuulan kasi nang malakas. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga panahon na nag-aaral pa ako sa unibersidad sa Espanya na sikat na sikat tuwing umuulan dahil sa baha. Naalala ko na naman si Gerald Anderson… NOT.

***

Oktubre 3, 2007

Ito ay tungkol sa taong nakasabay ko sa tricycle kanina papuntang USTe.

Kung galing ka sa Legarda, may dalawang paraan para pumuntang USTe: tricycle o jeep. At dahil umaga ang klase ko at ayokong ma-late, tricycle na lang kahit triple ang pamasahe kumpara sa jeep. Mas mabilis siya dahil kadalasan kailangan lang ng dalawang pasahero sa mismong “cab” at dalawa sa likod ng driver, at sa mismong tabi pa ng overpass sa España ka pa ibababa.

Sa araw na ‘to, dapat sana ay babaeng taga-Eng’g ang katabi ko, pero sa Lacson pala siya papahatid. Bumaba siya bigla. Nakakainis. Lakas pa naman ng ulan, sana hindi ako ma-late. Takot akong ma-late. Buti na lang biglang may sumakay na taga-Eng’g ulit. Ewan ko ba pero bigla kong sinabi, “Bakit sa overpass ka, eh taga-Eng’g ka?” Bunga ng pagkainip yata yung hirit kong ‘yon.

Nagulantang ako nang humarap siya sa akin para sagutin ang tanong ko.

Shocks, ang gwapo!

Pero siyempre hindi ko sinabi ‘yon.

Sagot niya, “Ayaw ko kasi sa Lacson, kasi yung sa stoplight, mas gusto ko sa overpass.” (Kapag sinabing Lacson, tatawid ka sa mismong España papuntang Lacson.)

Sabi ko naman, “Ahh. Ako naman AB, dati sa Lacson bumababa, tinatamad akong umakyat ng overpass.”

[Madalas akong nale-late sa pang-umagang klase noon. At ayaw ng professor ko yung pumapasok sa classroom habang nagdi-discuss siya. Nadi-distract siya sa lecture pag bumubukas ang pinto. Pero hindi yun ang point nito.]

Ngiti naman siya.

Sa loob-loob ko, iniisip ko na baka ilusyon lang ito. Eh parang kanina lang gusto ko nang kumaripas yung tricycle at ang inaalala ko lang eh male-late na ako. Pero pag napapatingin ako sa kanya… naku. Ang gwapo. Matangos ilong. Maganda ang ngiti. Maganda ang ngipin. Maganda ang mata. Hay. Mas maganda pa yung gwapo sa akin naturingang babae ako. Hindi lang naman face value ang gusto ko sa lalaki, pero ang gwapo lang kasi talaga siya e.

Ilang sandali pa ang nakalipas, bigla siyang nagsalita.

“Wala kang pasok ngayon?”

“Wala akong pasok ‘pag Tuesday.”

Ang labo lang ng sagot ko. “Ngayon” na nga ang sinabi, inulit ko pa na Tuesday. Ngiti lang siya ulit. Sa ulo ko, napapailing ako sa kilig. Kaya text na lang ako (kunwari) habang siya naman ay nakatingin sa kawalan. Napapatingin ako sa labas, hindi ko magawa tumingin sa kaliwa ko.

“Meron ka bang payong?”

“Ah, oo.”

“Ako kasi wala, sira kasi siya, nasa bahay.”

“Ay, eh di bili ka na lang dun, sa overpass maraming nagtitinda.”

“Hindi na lang, malapit lang naman.”

Katahimikan.

Katahimikan hanggang sa nakababa na kami ng tricycle. Pagkahinto, nag-abot na siya ng bayad niya at lumabas. Nauna na siya at tumakbo patungo sa overpass. Naawa ako, wala siyang payong, ang lakas ng ulan, medyo nabasa na siya. Kailangan lang ba niya ng payong o ano? Nasungitan siguro sa sinabi ko.

Nagkaabutan pa rin kami sa mismong overpass pero parang walang nangyari. Parang hindi ko siya kasabay kanina. Kaya nagpatuloy ako sa paglakad at hinayaan siyang mawala sa paningin ko.

P.S. Original post can be found here. Edited some parts to match my vivid memory. Iba talaga pag excited ka nung nagsulat, hindi mo na na-edit. XD

RELATED POSTS:

MM

Nerd and geek in one. Likes words and pictures. I post my discoveries, interests, ideas, photographs, thoughts and works in this blog. About | Like on Facebook | Follow on Twitter

MM wrote 572 posts

Post navigation


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes:

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>